Sa 4 years ko sa blogging marami na rin akong nakasalubong na blogero’t blogera. Mula personal blogger o ung nagsusulat lang para mailabas ang mga bagay na hindi kayang bigkasin ng kanilang bibig, hanggang sa mga blogger na nagsusulat para kumita ng dolyar.
Marami na rin naman ang kumikita sa pagbablog, yung iba inaabot ng $5,000 o mas mataas pa sa isang buwan at ung iba naman halos di makaabot ng $5 sa isang buwan. Sa pag-iikot sa net, mas makikita mo ung mga bloggers na kumikita ng higit pa sa $100 sa isang buwan, bihira ang blogger na pinapangalandakan ang kinita nyang $3 sa loob ng isang buwan, kaya naman etong mga nag-uumpisa pa lang sa blogging ay naeengganyo at nagtatanong kung paano nga ba sila kumikita ng ganun kalake dahil lang sa pagsusulat.
Paano ka nga ba kikita sa pagbablog? Ang tutuo, maraming paraan. Ang mahalaga ay alam mo ang ginagawa mo, gusto mo ang ginagawa mo at mahaba ang pasensya mo. Kasi hindi ka naman kikita sa loob lamang ng isang gabi, mabilis na ung 1 buwan, ung iba nga inaabot ng taon.
1. Google Adsense – Sikat to sa mga nag-uumpisang blogger, marami rin kasi talagang kumikita sa adsense. Isa itong Advertisement Network kung saan pwede ka mag-apply kung may sarili kang blog. At ilagay ang code nila sa blog mo at sila na ang bahalang magdisplay ng ads depende sa kung ano ang laman ng blog mo. Kikita ka sa Adsense kung maraming bumibisita sa blog mo at kung ang mga bisita mo ay magkakainteres na iclick ang ads na dinidisplay ng Google Adsense sa blog mo. Maaari kang mag-apply sa Google Adsense kahit ilang araw pa lang ang blog mo, basta may sapat nang content ang blog mo.
2. Paid o Sponsored Post – Eto naman ung mga blogpost na may link papunta sa isa pang website. Kalimitan nagbibigay nito sa mga bloggers ay ang mga kumpanyang may website o blogger din tulad natin na gustong magpataas ng rank ng kanilang website o gusto lang mag-advertise. Binabayaran nila ang mga bloggers para gumawa ng isang artikulo o blogpost tungkol sa kanilang website, o kaya naman blogpost na tungkol sa product na binebenta ng isang online store. Dito naman, kailangan sikat na ang blog mo, dapat mataas na ang rank bago ka makakuha ng Paid o Sponsored Post.
3. Sell Products – Pwede ka rin namang magbenta ng sarili mong produkto sa pagbablog, gaya ng ginagawa ng iba sa Multiply. O kaya naman kung may serbisyo kang gustong i-offer sa iba, pwede mo itong gawan ng blogsite para mahanap at mabasa ng mga nangangailangan. Isa sa halimbawa ng serbisyong pwede mong i-offer online ay ang Article Writing kung saan babayaran ka nila para gawan mo sila ng article.
4. Affiliate Program – Eto naman dapat may karanasan ka na sa Internet Marketing, di rin kasi madaling kumita dito kung nag-uumpisa ka pa lang. Eto kasi yung kailangan mong magbenta ng products ng iba. Halimbawa na lang ang Amazon.Com, isa yang online store, pwede kang mag-apply sa kanila as Affiliate. Kikita ka dito sa pamamagitan ng kumisyon. Kung may blog ka, pwede kang gumawa ng blogpost about sa product na binebenta sa Amazon at kapag may nakabasa ng blogpost mo, naging interesado sa product at nagpunta sa mismong Amazon para bilhin ang mismong produkto, dun ka makakakuha ng kumisyon.
Ilan lamang yan sa paraan kung paano kumita sa pagba-blog. Wag nating isipin na agad-agad kikita tayo, kailangan dito ay pursigido ka, alam mo ang ginagawa mo at gusto mo ito.
Hindi na pala nasagot ang title ng blogpost na ito lolz .. Pero yun talaga ang balak ko, hindi sagutin at hayaan na kayo ang sumagot sa tanong na yan.
Kung ikaw bibigyan ng pagkakataon para makapag blog, ano ang gagawin mo sa loob ng 6 months para kumita?
Ang post na ito ay kay http://www.askpinoybloggers.com/
No comments:
Post a Comment